Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kaisipang gawing sentro ng pag-unlad ang mga mamamayan, at pagtatatag ng mas magandang hilagang hanggahan ng Tsina.
Mula ika-15 hanggang ika-16 ng Hulyo, naglakbay-suri si Xi sa nasabing lugar upang tingnan ang pag-unlad ng kabuhaya't lipunan, at konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal. Kinumusta rin niya ang mga kadre at mamamayan ng iba't ibang lahi sa lokalidad.
Tinukoy ni Xi na nasa hilagang hanggahan ng bansa, na Inner Mongolia ang napakasaganang yamang likas at ekolohikal, makulay ang kultura ng iba't ibang nasyonalidad, napakalaki ng nakatagong lakas ng pag-unlad, at mahalaga ang estratehikong katayuan. Dapat aniyang ipatupad ang bagong ideyang pangkaunlaran, at pabutihin ang iba't ibang gawaing gaya ng pagpapatatag ng paglago, pagpapasulong sa reporma, pagsasaayos sa estruktura, paghahatid ng benepisyo sa pamumuhay ng mga mamamayan, pagpigil sa mga panganib, pagpapanatili ng katatagan at iba pa. Dapat walang humpay ring palakasin ang kasiyahan, kaligayaan at kaligtasan ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad, para likhain ang mas magandang hilagang hanggahan ng bansa, diin ni Xi.
Salin: Vera