|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Mohammad Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran na ang mga sangsyon ng Amerika ay terorismong pangkabuhayan, at nagsisilbi ang mga itong pinakamalaking banta sa pagsasakatuparan ng bansa ng sustenableng pag-unlad.
Si Zarif sa pulong ng UN
Winika ito ni Zarif sa kanyang talumpati sa isang pulong ministeriyal ng United Nations (UN) na may kinalaman sa sustainable development goals (SDGs), nitong Miyerkules, Hulyo 17, local time sa New York, punong himpilan ng UN.
Sa kanyang talumpati, hiniling din ni Zarif sa komunidad ng daigdig na tupdin ang pangako sa multilateralismo at pandaigdig na pagkakaisa. Hinimok din niya ang mga maunlad na bansa na isakatuparan ang kanilang ipinangakong tulong at suportang pangkabuhaya't panteknolohiya sa mga umuunlad na bansa.
Ang SDGs na nakatakdang isakatuparan sa 2030 ay naglalayong tugunan ang mga isyu na gaya ng alitan, pagkagutom, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at pagbabago ng klima.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Larawan: Xinhua
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |