Sa panayam kamakailan sa Jakarta, Indonesya, ng China Media Group, sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na ang serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng East Asia Summit (EAS) na idaraos sa katapusan ng buwang ito sa Bangkok, Thailand, ay magbibigay ng bagong lakas sa pagtaas ng antas ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang panig.
Ayon naman sa ulat, dadalo sa naturang mga pulong si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at tatalakayin niya, kasama ng mga ministrong panlabas ng iba't ibang bansa, ang hinggil sa pagpapalalim ng relasyong Sino-ASEAN, kooperasyong panrehiyon, at plano ng pag-unlad ng Silangang Asya, upang gawin ang paghahanda para sa EAS na gaganapin sa darating na Nobyembre ng taong ito.
Kabilang din sa mga paksa ng nabanggit na mga pulong ay ang pagpapalakas ng koordinasyon ng Belt and Road at Master Plan on ASEAN Connectivity 2025, pagpapalitan ng mga media ng Tsina at ASEAN, kooperasyong pandagat, pagtataguyod sa multilateralismo at malayang kalakalan, globalisasyong pangkabuhayan, pangangalaga sa rehiyonal na katatagan at kasaganaan.
Salin: Liu Kai