Miyerkules ng hapon, Hulyo 24, 2019, pinanguluhan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ika-9 na pulong ng komite sentral hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma.
Sa kanyang talumpati sa pulong, binigyang-diin ni Xi, ang proseso ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma. Dapat aniyang puspusang pasakan ang mga butas, palakasin ang mahinang aspekto, patingkarin ang kasiglahan, buong tatag na sirain ang bakod ng interest solidification, at alisin ang mga hadlang na pansistema at pangmekanismo sa proseso ng pag-unlad.
Sinuri at pinagtibay sa pulong ang "plano sa pagbuo ng pambansang komisyon ng etika ng siyensiya't teknolohiya," "mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip (IPR)," "mungkahi tungkol sa pagpapasulong sa pagmamana at may-inobasyong pag-unlad ng traditional Chinese medicine (TCM)," "patnubay sa pagpapalalim ng reporma sa sistema ng pangangasiwa at pangangalaga sa imprastrukturang pampubliko sa kanayunan," at iba pang dokumento.
Salin: Vera