Sa magasing Qiushi o Seeking Truth na ilalathala bukas, Pebrero 1 2019, ilalabas ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagpapasulong ng usapin ng sibilisasyong ekolohikal.
Sinabi ni Xi, na ang sibilisasyong ekolohikal ay mahalagang isyung may kinalaman sa pangmatagalang pag-unlad ng Tsina at pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Nanawagan siya sa buong bansa na lubos na pahalagahan at puspusang pasulungin ang usaping ito.
Dagdag ni Xi, sa usapin ng sibilisasyong ekolohikal, dapat igiit ang 6 na ideya. Ang mga ito aniya ay: harmonya sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan; ang malinaw na katubigan at berdeng kabundukan ay napakahalagang ari-arian; ang mabuting ekolohiya at kapaligiran ay saligang kabiyayaan para sa mga mamamayan; ang kabundukan, katubigan, kagubatan, bukirin, at damuhan ay komunidad ng pinagbabahaginang buhay; pagsasagawa ng pinakamahigpit na "rule of law" sa pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran; at pagpapasulong ng sibilisasyong ekolohikal sa buong mundo.
Salin: Liu Kai