Idinaos kamakailan ng pamahalaang munisipal ng Beijing ang pulong hinggil sa pagpapasulong ng gawain ng ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas ng sektor pinansyal sa labas.
Isiniwalat ni Huo Xuewen, Puno ng Beijing Local Financial Supervision and Administration, na pagkaraang ilabas ng pamahalaang sentral ang mga patakaran at hakbangin hinggil sa bagong round ng pagbubukas ng sektor pinansyal sa labas, handang-handa na ang Beijing para tanggapin ang mga dayuhang institusyong pinansyal na magkaroon ng negosyo sa lunsod, at magbigay ng mabuting serbisyo sa mga institusyong ito.
Kaugnay nito, inilabas din ni Huo ang 10 konkretong hakbangin ng Beijing, na gaya ng pagkatig sa paglahok ng mga dayuhang institusyong pinansyal sa mga bagong bukas na negosyong pinansyal, pagbibigay-tulong sa mga dayuhang institusyong pinansyal para sa pag-aaplay ng mga patakarang preperensyal, pagtatatag ng "green channel" para sa pagpapatala ng mga dayuhang institusyong pinansyal, pagpapabuti ng residential service sa mga mataas na propesyonal ng mga dayuhang institusyong pinansyal, at iba pa.
Salin: Liu Kai