|
||||||||
|
||
Vienna — Idinaos nitong Linggo, Hulyo 28, 2019 ang espesyal na pulong ng magkakasanib na Komisyon ng Komprehensibong Kasunduan ng Isyung Nuklear ng Iran para talakayin ang tungkol sa kaukulang isyu ng pagpapatupad ng kasunduang ito. Dumalo sa pulong ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Fu Cong, Puno ng Departamento ng Pagkontrol sa Armas ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Fu na ang ganap at mabisang pagpapatupad ng nasabing kasunduan ay hindi lamang kahilingan ng resolusyon ng United Nations (UN) Security Council, kundi, ito ang tanging realistiko at mabisang paraan para malutas ang isyung nuklear ng Iran. Umaasa aniya ang panig Tsino na mapapanatili ng iba't-ibang panig ang pagtitimpi para malutas ang pagkakaiba sa loob ng balangkas ng magkakasanib na komisyon at mapahupa ang kasalukuyang maigting na situwasyon.
Inulit din ng mga kalahok ang kanilang pagtutol sa paghadlang ng Amerika sa pagpapatupad ng ibang bansa ng resolusyon sa pamamagitan ng unilateral na sangsyon at "Long Arm Jurisdiction." Ipinangako nilang itutuloy ang mga hakbangin para mabawasan ang epektong dulot ng unilateral na sangsyon ng Amerika.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |