Ayon sa Islamic Republic News Agency (IRNA) nitong Lunes, Hulyo 22, 2019, sinimulan kamakailan ng Iranian Intelligence Agency ang imbestigasyon sa isang kaso ng pang-e-espiya ng bumagsak na anti-Iran espionage network ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika.
Sa isang pahayag na inilabas nang araw ring iyon ng Iranian Intelligence Agency, napabagsak nito noong Hunyo 18 ang isang espionage network kung saan naaresto ang 17 espiya ng CIA. Anang pahayag, minsa'y nagtrabaho ang nasabing 17 espiya sa ilang pribadong organo at sensitibong departamento ng Iran na kinabibilangan ng mga departamento ng kabuhayan, militar, internet, at industriyang nuklear.
Hindi pa idinetalye ng Iran ang tungkol sa kung paano hahawakan ang nasabing naarestong mga espiya.
Salin: Lito