Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Pilipinas, palalakasin ang koordinasyon ng Belt and Road Initiative at Build Build Build

(GMT+08:00) 2019-07-30 20:48:19       CRI

Nagtagpo kahapon, Martes, ika-30 ng Hulyo 2019, sa Bangkok, Thailand, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Teodoro Locsin, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

Sinabi ni Wang, na nitong 3 taong nakalipas, sa pamamagitan ng 7 pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte, pinagtagumpayan ng Tsina at Pilipinas ang mga kahirapan sa bilateral na relasyon at pinawi ang mga hadlang, para sumulong ang relasyon tungo sa tamang direksyon. Aniya, ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas ay angkop sa interes ng dalawang bansa. Nagkaroon na rin aniya ng masaganang bunga ang kooperasyong Sino-Pilipino, at nagdudulot ito ng mga benepisyo sa mga mamamayang Pilipino. Ipinahayag din ni Wang ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Pilipinas, na patuloy na pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, palakasin ang koordinasyon ng Belt and Road Initiative at Build Build Build, at pabilisin ang kooperasyon sa mga aspekto ng imprastruktura, tele-komunikasyon, paggagalugad ng langis at natural gas, at iba pa.

Sinabi pa ni Wang, na nitong isang taong nakalipas, bilang bansang tagapagkoordina sa relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nagbigay ang Pilipinas ng positibong ambag sa mabungang kooperasyong Sino-ASEAN. Nakahanda aniya ang Tsina na makipagkoordina sa mga bansang ASEAN, para maging matagumpay ang serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng kooperasyon ng Silangang Asya, at pasulungin ang rehiyonal na katatagan at kasaganaan.

Sinabi naman ni Locsin, na nakahanda ang Pilipinas, kasama ng Tsina, na pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palakasin ang pag-uusap at pag-uugnayan, at pasulungin ang kooperasyon sa iba't ibang aspektong kinabibilangan ng paggagalugad ng langis at natural gas sa dagat. Aniya pa, nagbibigay-halaga ang ASEAN sa kaunlaran at kasaganaan ng rehiyong ito, nagsisikap para pangalagaan ang sentralidad nito, at hindi lumalahok sa anumang estratehiyang may heopolitikal na overtone.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>