Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga opisyal ng Xinjiang: mga vocational education and training center, tumatakbo alinsunod sa batas at prinsipyong bukas at transparent

(GMT+08:00) 2019-07-31 15:31:19       CRI
Sa preskong naganap kahapon, Martes, ika-30 ng Hulyo 2019, sa Beijing, ipinahayag ni Shohrat Zakir, Tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina, na ang mga vocational education and training center sa Xinjiang ay tumatakbo alinsunod sa may kinalamang batas at prinsipyong bukas at transparent.

Sinabi ni Zakir, na ang mga tauhang sapilitang lumahok sa mga teroristikong aksyon o grabeng apektado ng ekstrimistikong ideolohiya ay ipinasasailalim sa pagtuturo at pagsasanay sa naturang mga sentro. Aniya, layon nitong tulungan sila para bumalik sa tamang landas, magkaroon ng kasanayan sa pagtatrabaho, at muling lumahok sa lipunan. Dagdag ni Zakir, nitong isang taong nakalipas, libu-libong mamamahayag, diplomatang dayuhan, at personaheng panrelihiyon mula sa iba't ibang lugar ng daigdig ang bumisita sa naturang mga sentro, at positibo sila sa mga gawain dito.

Sinabi naman ni Erkin Tuniyaz, Pangalawang Tagapangulo ng naturang rehiyong awtonomo, na sa mga education and training center, iginagarantiya ang kalayaang personal, kalayaan sa pananampalataya, at karapatan sa paggamit ng sariling wika. Puwede rin silang bumalik sa kanilang bahay at doon isagawa ang mga lehitimong aktibidad na panrelihiyon, dagdag ni Tuniyaz. Aniya pa, ang pagtatatag ng mga sentrong ito ay hakbangin bilang tugon sa mga malalim na isyu ng terorismo at ekstrimismo.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>