|
||||||||
|
||
Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, natapos nitong Miyerkules, Hulyo 31, 2019 ang ika-27 round ng talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at natamo ang positibong progreso. Ito ay gumawa ng lubos na paghahanda para sa gaganaping pulong ministeryal ng RCEP sa Beijing mula Agosto 2 hanggang 3.
Mula noong Hulyo 22 hanggang 31, ginanap sa Zhengzhou, kapital ng probinsyang Henan ng Tsina, ang nasabing ika-27 round ng RCEP Talks. Dumalo rito ang halos 700 kinatawan mula sa sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand, at India.
Ipinahayag ni Li Chenggang, Asistenteng Ministro ng Komersyo ng Tsina, ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang panig ng RCEP para magkakasamang mapasulong ang proseso ng talastasan at malutas ang mga naiiwang problema sa lalong madaling panahon.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |