Idaraos din ang Ika-27 round ng talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP)sa Zhengzhou, sa Hulyo 22 hanggang 31. Samantalang idaraos naman ang pulong na ministeryal sa Beijing mula ika-2 hanggang ika-3 ng Agosto, ayon sa pahayag Hulyo 4, 2019, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina. Binigyan-diin niyang dapat pasulungin ang pagtamo ng positibong bunga ng pulong.
Aniya, bilang host, patuloy na igagalang ng Tsina ang nukleong posisyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa talastasan ng RCEP at magkakaroon ng aktibong patitingkaring papel sa pagpapasulong ng talastasan, kooperasyon at pagtatagumpay para matamo ang positibong bunga, at gawin ang mabuting paghahanda para matapos ang talastasan sa katapusan ng taong ito.
Salin:Lele