Ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-2 ng Agosto 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang lubos na kalungkutan at buong tinding pagtutol ng kanyang bansa sa pag-urong ng Amerika sa Treaty on the Elimination of Intermediate-Range and Shorter-Range Missiles o tinatawag na INF (Intermediate-Range Nuclear Forces) Treaty, na nilagdaan noong 1987 ng Amerika at dating Soviet Union.
Ayon sa ulat, pagkatapos ng mga may kinalamang prosidyur, opisyal na umurong ngayong araw ang Amerika sa INF Treaty.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua, na ito ay isa pang unilateral na aksyon ng Amerika ng pagtatalikod sa pangako nito sa daigdig hinggil sa disamarmentong nuklear at pagkontrol sa armas. Ang tunay na layon ng Amerika ay paghahangad ng unilateral na bentaheng militar at estratehiko, dagdag niya.
Salin: Liu Kai