Ipinahayag nitong Huwebes, Agosto 1, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtutol sa unilateral na sangsyon at long-arm jurisdiction ng Amerika sa Iran. Ang diyalogo at talastasan ang pundamental na kalutasan sa isyung nuklear ng Iran, diin ni Hua.
Winika ito ng tagapagsalitang Tsino bilang tugon sa pinakahuling sangsyon ng Amerika laban sa Iran. Isang araw nauna rito, ipinatalastas ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika ang sangsyon kay Mohammad Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran.
Dagdag pa ni Hua, maraming beses na ipinahayag kamakailan ng panig Amerikano ang kahandaan na magsagawa ng walang paunang kondinsyong pakikipag-usap sa Iran. Umaasa aniya ang Tsina na sundin ng panig Amerikano ang nasabing pangako.
Salin: Jade
Pulido: Rhio