Sinabi Miyerkules, Hulyo 31, 2019 sa Beijing ni Li Chenggang, Asistenteng Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay ang ika-2 pinakamalaking trade partner ng Tsina, at mahalagang rehiyon ng pamumuhunang panlabas ng mga bahay-kalakal na Tsino.
Ayon kay Li, tuluy-tuloy na lumaki ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN. Noong unang hati ng taong ito, 291.85 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng pag-aangkat at pagluluwas ng kapuwa panig, at ito ay lumaki ng 4.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ang ASEAN aniya ay humalili sa Amerika bilang ika-2 pinakamalaking trade partner ng Tsina.
Dagdag ni Li, hindi hinahanap ng Tsina ang trade surplus, at nakahandang angkatin ang mas maraming paninda mula sa mga bansang ASEAN. Sa hinaharap, patuloy na ipapatupad ng Tsina ang isang serye ng mga kasunduan ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN (CAFTA), pasusulungin ang paglaki ng kalakalan at pamumuhunan, pag-iibayuhin ang kooperasyon sa kabuhayan ng malayang sonang pangkalakalan at teknolohiya, at patataasin ang lebel ng pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan.
Salin: Vera