|
||||||||
|
||
Naunang ipinadala at nilagdaan ng mahigit isang daang personahe ng iba't-ibang sirkulo ng Amerika ang isang magkakasanib na liham kay Pangulong Donald Trump at Kongreso, kung saan ipinahayag nila ang pagtutol sa anti-China policy. Dagdag dito, lumagda rin kamakailan si Walter F. Mondale, dating Pangalawang Presidenteng Amerikano, at dahil dito, lumampas na sa 180 ang bilang ng mga tagasuporta sa nasabing liham. Bukas na ipinalabas ang magkakasanib na liham sa "Washington Post" noong Hulyo 3, 2019.
Ipinahayag ng nasabing liham na pinamagatang "Ang Tsina ay hindi kaaway ng Amerika" na ang maraming isinasagawang kilos ng pamahalaang Amerikano na nakakapagpalala sa relasyong Amerikano-Sino. Ipinalalagay ng mga signataryong personahe na ang paglala ng maigting na relasyong Amerikano-Sino ay hindi angkop sa kapakanan ng Amerika at buong daigdig, at lubos nilang ikinababahala ang tungkol dito.
Tinukoy nito na ang pagtuturing ng Amerika sa Tsina bilang kaaway at tangka nitong "kumalas" sa Tsina ay makakapinsala sa katayuan at reputasyon ng Amerika sa daigdig, at makakasira sa kapakanang pangkabuhayan ng iba't-ibang bansa sa daigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |