Lubos na ikinalulungkot ng Tsina na itinuturing ng Tesorerya ng Amerika ang bansa bilang "currency manipulator." Ito ay ayon sa pahayag na inilabas ngayong araw, Martes, ika-6 ng Agosto 2019, ng People's Bank of China (PBOC), bangko sentral ng Tsina.
Sinabi ng PBOC, na ang desisyong ito ng Tesorerya ng Amerika ay hindi angkop sa mga mismong pamantayan nito sa pagtatakda ng bansa na "currency manipulator" batay sa mga malinaw na estadistika.
Anang PBOC, ang ginawang ito ng panig Amerikano ay di-makatwirang aksyon ng unilateralismo at proteksyonismo. Lumalabag ito sa mga tuntuning pandaigdig, at magdudulot ng malaking negatibong epekto sa kabuhayan at pinansyo ng daigdig, dagdag ng nasabing bangko.
Salin: Liu Kai