Ipinatalastas kamakailan ng panig Amerikano ang plano nitong dagdagan ng 10% taripa ang mga ini-aangkat na produktong Tsino na nagkakahalaga ng 300 bilyong dolyares, at grabe itong lumalabag sa napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa Osaka Summit.
Bunsod nito, hindi inimplementa ng Komisyon ng Polisiya ng Taripa ng Konseho ng Estado ng Tsina ang pansamantalang pagpapawalang-bisa sa tariff hike sa mga produktong agrikultural na aangkatin ng Tsina muila sa Amerika na napagkasunduan, matapos ang Sabado, Agosto 3 ng kasalukuyang taon. Bukod dito, sinuspinde rin ng mga kaukulang bahay-kalakal ng Tsina ang pagbili ng mga produktong agrikultural ng Amerika.
Salin: Lito