|
||||||||
|
||
Ipinahayag, Agosto 5, 2019 sa Tehran ni Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran na ang pinakamaliit na kahilingan ng kanyang bansa para sa pagbebenta ng langis sa ilalim ng kasunduang nuclear noong 2015 ay 2.8 milyong bariles kada araw.
Kaugnay nito, sinabi niyang ipinarating na ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran ang kanyang kahilingan sa mga signataryong partidong Europeo ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
"Kinakailangang maibalik sa lebel noong Mayo 2018 ang pagbebenta ng langis ng Iran, nang umatras mula sa JCPOA ang Amerika," aniya.
Matapos umatras si Pangulong Donald Trump ng Amerika mula sa JCPOA noong May 2018, at muling pagpapataw ng sangsyon sa Iran, bumulusok paibaba ang benta ng langis ng nasabing bansa.
Maliban dito, sinabi rin ni Zarif na kailangang gawing katotohanan ng mga partidong Europeo ang kanilang pangako hinggil sa pagbabalik ng petrodollar ng Iran, matapos ang bentahan ng langis.
Ipinagdiinan niyang, kung hindi maisasagawa ng mga may-kaugnayang partido ang kanilang pangako para makamtan ng Iran ang mga interes pang-ekonomiko, magsasagawa ito ng hakbangin tungo sa pagpapaliit ng mga obligasyong nuklear.
Maaala-alang umatras na kamakailan ang Iran sa ilang bahagi ng obligasyon nito sa JCPOA.
Para maisiguro ang pakikipagkalakalan sa Iran at isantabi ang mga sangsyon kontra-Iran ng Amerika, inanunsiyo noong Enero ng taong ito ng Unyong Europeo (EU) ang isang espesyal na tsanel sa pagbabayad, na kilala bilang Instrument in Support of Trade Exchanges (INSTEX).
Magkagayunman, sinabi ng Tehran na hindi sapat ang pisibilidad ng mekanismo ng EU sa pagsusuplay ng petrodollar sa Iran.
Salin: Rhio
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |