![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ipinatalastas nitong Martes, Agosto 6 ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika ang pagbansag sa Tsina bilang manipulador ng salapi. Ito ay labag sa pamantayang itinakda ng Amerika. Ang ganitong walang taros na aksyon ng unilateralismo at proteksyonismo ay makakapinsala sa kaayusang pandaigdig.
Noong Mayo, 2019, ipinahayag ng nasabing kagawarang Amerikano na naangkop ang Tsina sa isa sa tatlong pamantayan na itinakda nito: ibig sabihin, ang Tsina ay mayroong taunang trade surplus na nagkakahalaga ng mahigit 20 bilyong US dollars. Anito pa, hindi minanipula ng Tsina ang exchange rate para magtamo ng bentahe. Pero, pagkaraan lamang ng dalawang buwan, tinalikuran ng naturang kagawarang Amerikano ang sariling konklusyon.
Ayon sa napagkasunduan ng World Trade Organization (WTO) at International Monetary Fund (IMF), ang IMF ay ang institusyong namamahala sa mga isyung may kinalaman sa exchange rates ng mga salapi. Ang propesyonal na palagay ay ang batayan para maipasya, kung minamanipula ng isang bansa ang exchange rate nito. Kaya, ang Amerika ay walang karapatan para unilateral na tasahin ang exchange rate ng ibang bansa. Ayon sa pinakahuling pagtaya, ipinalalagay ng IMF na ang paghawak ng Tsina sa salapi ay alinsunod sa kalagayang pangkabuhayan ng bansa.
Isinasagawa ng Tsina ang floating exchange rate system, batay sa suplay at pangangailangan ng pamilihan, kung saan "basket of currencies" ang reperensya at ang pamilihan ay gumaganap ng pinakapangunahing papel. Bilang ikalawang pinakamalaking kabuhayan sa daigdig, laging responsable at nananangan sa mga pangako ang Tsina hinggil sa exchange rate. Sapul noong 2018, sa kabila ng pagpapalala ng Amerika ng alitang pangkalakalan, iginigiit pa rin ng Tsina ang paninindigang hindi pagsasagawa ng kompetetibong pagpapababa ng salapi o competitive devaluation. Hindi rin gagamitin ng Tsina ang exchange rate bilang kasangkapan para matugunan ang alitang pangkalakalan.
Ang kawalang-balanse ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Amerika ay pangunahin na dahil sa Amerika. Kabilang dito ang kakulangan ng Amerika sa depositing panloob, restriksyon nito sa pagluluwas ng mga high-teck na produkto sa Tsina, at ang US dollar bilang foreign exchange reserve. Kaya, ang Amerika ay dapat tumuon sa paglutas ng mga sariling problemang pang-estruktura, sa halip na hanapin ang di-patas na bentaheng pangkalakakalan, sa pamamagitan ng walang-batayang pagbatikos sa Tsina bilang manipulador ng salapi.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |