Ipinahayag nitong Martes, Agosto 6, ni Chen Yulu, Pangalawang Presidente ng People's Bank of China, Bangko Sentral ng Tsina, na ang pagbansag ng Amerika sa bansa bilang manipulador ng salapi ay nakakapinsala sa alituntuning pandaigdig. Ito rin ay praktika ng unilateralismo at proteksyonismo ng Amerika, dagdag pa ni Chen.
Sinabi ni Chen na ang nasabing kapasiyahan ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika ay hindi angkop sa saligang karunungan ng ekonomiks at komong palagay ng komunidad ng daigdig. Higit pa, taliwas ito sa pamantayan sa manipulasyon ng salapi na itinakda ng nasabing kagawarang Amerikano, dagdag pa ni Chen.
Ani Chen, bilang responsableng bansa, hindi kailanman ginamit o gagamitin ng Tsina ang salapi bilang kasangkapan ng kompentisyon. Salaysay ni Chen, kapuwa sa Asian financial crisis noong 1997 at pandaigdig na krisis na pinansyal noong 2008, bilang pagtupad sa pangako, pinanatili ng Tsina ang katatagan ng RMB exchange rate. Nagbigay ito ng malaking ambag para sa muling paglago ng kabuhayang pandaigdig at katatagan ng pandaigdig na pamilihang pinansyal, diin ng dalubhasang Tsino. Aniya pa, sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma sa RMB exchange rate noong 2005, sa halip na bumaba, tumaas sa abot 40% ang RMB exchange rate.
Salin: Jade
Pulido: Rhio