|
||||||||
|
||
Ang pagbansag ng Amerika sa Tsina bilang "manipulador ng salapi" ay maliwanag na pagkontra sa sarili nitong pamantayan upang mabansagan ang isang bansa bilang "manipulador ng salapi."
Hindi lang iyan, maliwanag din nitong inilalahad sa buong daigdig ang kahandaan ng Washington na kupkupin ang dobleng istandard para supilin ang mga kompetisyon.
Kaugnay nito, matagal nang ginagamit ng Amerika ang palitan ng salapi upang mamintena ang paghahari ng ekonomiya nito sa daigdig.
Sa ngayon, ang US Dolyar pa rin ang namamayagpag bilang global reserve currency.
Sa kabila ng tuluy-tuloy na pagtaas ng marketisasyong nakamtan ng Tsina sa pamamagitan ng reporma sa palitan ng salapi simula noong 1994, patuloy pa ring binibigyang-presyur ng Washington ang Beijing upang pataasin ang pleksibilidad ng RMB.
Maraming pagtaas-baba ang naranasan ng pandaigdigang pinansyal na pamilihan dahil sa pag-igting ng tensyong pangkalakalan na nag-ugat sa pagpapataw ng Amerika ng mga karagdagang taripa sa mga produkto ng Tsina.
Dagdag pa riyan, base sa pangangailangan ng pamilihan, nagta-taas-baba sa malaking saklaw ang palitan ng RMB: ito'y nagpapakita ng mainam na pleksibilidad ng salaping Tsino.
Mukhang nakakalimutan yata ng Washington ang mga saligang katotohananng ito, at patuloy na ginagamit ang mga sinadyang-pinilipit na pananalita upang supilin ang pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina.
Ang ginagawang ito ng Amerika ay isang tiwaling gawain!
Samantala, sa loob ng mahigit isang taon, pinepresyur ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang Federal Reserve upang magbaba ito ng lebel ng interes.
Dahil dito, bumigay ang Federal Reserve, at sa kauna-unahang pagkakaton, sa halos isang dekada, ibinaba nito ang lebel ng interes noong Miyerkules, kahit marami ang naniniwalang hindi ngayon ang tamang panahon para gawin ang aksyong ito.
Sa pambihirang hakbang, apat na dating puno ng Federal Reserve na sina Paul Volcker, Alan Greenspan, Ben Bernanke at Janet Yellen, ay nagpalabas ng artikulo na nagsasabing "kailangang ng Amerika ang isang indipendiyenteng Federal Reserve, at ang tagapangulo nito ay kailangang magkaroon ng kalayaan sa pamamahala tungo sa mas nakakabuting pag-unlad ng ekonomiya ng bansa."
Ngunit, mukhang nagbibingi-bingihan si Pangulong Trump: patuloy niyang isinulong ang pagbawas sa lebel ng interes.
Sa katotohanan, ang ganitong pagpuwersa sa pagbaba ng halaga ng US Dolyar sa pamamagitan ng presyur na politikal ay de-facto na pagmamanipula ng salapi.
Binansagan ng Amerika ang Tsina bilang "manipulador ng salapi," ngunit, gumagamit naman ito ng presyur na politikal upang pababain ang halaga ng sarili nitong salapi: ito ay maliwanag na pagpapakita ng dobleng istandard.
Sa kabilang banda, ang Tsina ay sumusunod sa mga napagkasunduan sa G20 Summit sa Osaka, at hindi nito ginagamit ang palitan ng salapi bilang kagamitang pampolisiya para magkamit ng bentahe sa di-pagkakaunawaang pangkalakalan.
Sa pag-igting ng tensyong pangkalakalan noong nakaraang taon, lumalayo ang Tsina sa kompetitibong pagpapababa ng halaga ng salapi, kahit sa harap ng napakabigat na presyur mula sa Amerika.
Hinding-hindi ito gagawin ng Tsina, dahil walang dahilan ang Beijing para tahakin ang landas na ito.
Sa kabilang dako, ang pandaigdigang kompetitibong bentahe ng Tsina ay nakasalalay sa abot-kayang halaga ng mga produkto, at mayroon itong komprehensibong kadena ng suplay.
Para sa maraming tagapag-angkat na Amerikano, ang mga produktong Tsino ay di-mapapalitan.
Sa unang hati ng taong ito, ang pag-a-angkat ng Tsina sa Amerika ay bumaba ng 25.7% kumpara sa datos noong nakaraang taon, samantalang ang pagluluwas naman nito sa Amerika ay bumaba lamang ng 2.6% kumpara sa tinalikdang taon.
Ito ay matibay na indikasyon na nakadepende ang Amerika sa mga produktong Tsino.
Walang interes ang Tsina sa pagmamanipula ng salapi, dahil hindi ito nakalinya sa pangangailangan ng bansa para sa dekalidad na pag-unlad.
Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa domestikong konsumo, na may 60% kontribusyon sa Gross Dometic Product (GDP) ng bansa noong unang 6 na buwan ng taong ito.
Samantalang ang kontribusyon ng netong pagluluwas sa paglaki ng ekonomiya ng Tsina ay limitado lamang.
Hindi kailangan ng bansa ang mas mababang lebel ng palitan ng salapi upang mapa-angat lamang ang pagluluwas nito.
Walang bentaheng makakamtan dito ang Tsina.
Dagdag pa riyan, ang artipisyal na pagpapababa ng palitan ng RMB ay makakasama sa pag-unlad ng mga kompanyang Tsino, sisira sa kompiyansa ng mga mamumuhunan, at magpapa-uga sa istabilidad ng pandaigdigang pamilihang pinansyal.
Ang akusasyon ng Amerika sa Tsina bilang "manipulador ng salapi" ay hindi mabuti sa layunin ng Washington na pilayin ang ekonomiya ng Tsina, bagkus, ito'y magiging instrumento ng pagkawasak ng kredibilidad ng Amerika sa pandaigdigang komunidad.
Salin: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |