Sa isang ulat hinggil sa kalagayan ng kabuhayang Tsino na inilabas kahapon, Biyernes, ika-9 ng Agosto 2019, sa Washington D.C., sinabi ng International Monetary Fund (IMF), na ang lebel ng palitan ng RMB noong isang taon ay angkop, sa pangkalahatan, sa mga saligang elementong pangkabuhayan. Nangangahulugan itong walang panghihimasok ng Tsina sa palitan ng salapi nito, anang ulat.
Ang naturang ulat ay ginawa ng IMF batay sa pinakahuling regular na pagtasa sa kalagayan ng kabuhayan ng Tsina na ginawa nito noong Hunyo ng taong ito.
Sa ulat, ipinahayag din ng IMF ang papuri sa mga natamong progreso ng pamahalaang Tsino sa mga masusing isyu sa aspekto ng kabuhayan, na gaya ng paglutas sa kahinaan ng departamentong pinansyal, patuloy na pagbubukas ng kabuhayan, at iba pa.
Salin: Liu Kai