Ayon sa ulat na inilabas kamakailan ng Ministry of Human Resource and Social Security ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, halos 7.4 milyong bagong trabaho ang nilikha sa mga lunsod at bayan ng bansa, at ang bilang na ito ay umabot sa 67% ng nakatakdang target sa buong taon.
Ayon pa rin sa ministring ito, sa susunod na yugto, isasagawa ang mga mas malakas na hakbangin para ibayo pang dagdagan ang mga bagong hanapbuhay, at gawing priyoridad ang mga university graduate at retiradong kawal na paglilingkuran para sa paghahanapbuhay.
Ayon naman sa estadistikang inilabas kamakailan ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong Hunyo ng taong ito, ang registered unemployment rate ng bansa ay 5.1%, at ito ay mas mababa kaysa nakatakdang pinakamataas na lebel na 5.5%. Ipinakikita ng mga estadistikang ito, na matatag ang kalagayan ng paghahanapbuhay sa Tsina.
Salin: Liu Kai