Sinabi ngayong araw, Martes, ika-13 ng Agosto 2019, ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina, na nitong nakalipas na linggo, kumakalat sa Hong Kong ang mga ilegal na malawakang demonstrasyon, at lumitaw ang mga sinasadyang pananabotahe.
Sinabi ni Lam, na sa nagdaang linggo nakalipas, naganap ang mga ilegal na demonstrasyon sa mga undersea tunnel, daambakal, at paliparan, at grabeng nakaapekto ang mga ito sa kaayusang panlipunan at normal na pamumuhay ng mga mamamayan. Samantala aniya, ginamit ng mga radikal ang mas malakas na sandatang gaya ng petrol bomb para sumalakay sa mga pulis, at lumitaw rin sa internet ang mga walang batayang impormasyon bilang pagtuligsa sa panig pulisya.
Ipinalalagay ni Lam, na ang layon ng naturang mga aksyon ay sirain ang "rule of law" sa Hong Kong. Dagdag niya, naging di-ligtas, di-matatag, at marahas ang lipunan ng Hong Kong, at nangangailangan ng mahabang panahon para panumbalikin ang kaayusan.
Salin: Liu Kai