Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo:Tsina't Hapon, kailangang maghawak-kamay para ibuhos ang mas positibong kasiglahan sa mundo

(GMT+08:00) 2019-08-13 08:57:55       CRI

Pagkaraan ng pitong taon, napanumbalik kamakailan ng Tsina't Hapon ang estratehikong talastasan ng dalawang bansa. Nagkasundo ang dalawang panig na ipatupad ang konsensong narating nina Pangulong Xi Jinping at Punong Ministro Shinzo Abe sa G20 Osaka Summit nitong nagdaang Hunyo. Ipinakikita nitong umiinit ngayon ang ugnayang Sino-Hapones matapos dumanas ng pagsubok nitong ilang taong kakalipas.

Ang 13 round ng estratehikong talastasan ng Tsina't Hapon, na sinimulan noong Mayo, 2005, at tumagal hanggang Hunyo 2012, ay gumanap ng napakahalagang papel sa pagpapasulong ng pagtitiwalaang pulitikal, at pagpapalakas ng estratehikong relasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Sinuspendi ang talastasan dahil sa alitan ng dalawang bansa hinggil sa Diaoyu Islands ng Tsina sa East China Sea.

Gayumpaman, pinahahalagahan ng Tsina't Hapon ang pangangailangan ng pagpapanumbalik ng talastasan, dahil kapuwa humaharap sa presyur na dulot ng unilateralismo at proteksyonismo ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump ng Amerika. Bilang dalawang pinakamalaking kabuhayan sa Asya, may parehong pangangailangan ang Tsina't Hapon na panatilihin ang multilateralismo at malayang kalakalan sa rehiyon. Bukod dito, mataas na nagpupunan sa isa't isa sa kabuhayan ang magkapitbansa. Sapul noong 2007, ang Tsina ang nananatiling pinakamalaking trade partner ng Hapon. Nangunguna naman ang Hapon sa pamumuhunang dayuhan sa Tsina. Hanggang katapusan ng 2018, umabot sa 112 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng puhunan ng Hapon sa Tsina, at bunga nito, nagsisilbi itong pinakamalaking pinanggagalingan ng puhunang dayuhan ng Tsina.

Ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tratado ng Kapayapaan at Pagkakaibigan ng Tsina't Hapon. Sa okasyong ito, nitong walong taong nakalipas, sa kauna-unahang pagkakataon, isinagawa ang opisyal na pagdalaw ng isang premyer Tsino at dumalaw naman sa Tsina ang punong ministro ng Hapon. Sumisimbolo itong bumalik sa normal ang relasyong Sino-Hapones. Sa kanilang pagtatagpo sa Osaka nitong nagdaang Hunyo, narating nina Xi at Abe ang 10-puntong pagkakasundo, na nagtatakda ng direksyon ng pag-unlad ng bilateral na relasyon.

Ang muling pagdaos ng estratehikong talastasan ay naglalayong ipatupad ang nasabing kasunduan, kung saan ang susi ay pagpapasulong ng pagtitiwalaang pulitikal at pagpapahigpit ng kooperasyon sa mga sektor na gaya ng sisyensiya't teknolohiya, pangangalaga sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), kalakalan at puhunan, pag-aalagang medikal, pag-aaruga sa matatanda, turismo, pagtitipid sa enerhiya, at pangangalaga sa kapaligiran. Kasabay nito, sasamantalahin din ng dalawang bansa ang pagkakataon ng 2019 China-Japan Youth Exchange Promotion Year para mapasulong ang mas mahigpit na ugnayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Gagamitin din ng Tsina't Hapon ang Belt and Road Initiative (BRI) at China-Japan-South Korea Free Trade Area (FTA) bilang bagong plataporma para mapasulong ang malayang kalakalan at multilateral na sistema.

Gayunpaman, nananatili pa rin ang mga sensitibong isyu sa pagitan ng Tsina't Hapon. Sa kanyang pagdalaw kamakailan sa rehiyong Asya-Pasipiko, sinabi ni Mark Esper, Kalihim ng Tanggulang-bansa ng Amerika, na gusto niyang ilagay ang mga ground-launched, at intermediate-range missile sa Asya, sa susunod na ilang buwan. Bilang pangunahing kaalyado ng Amerika sa Asya, kung tatanggapin ng Hapon ang kahilingan ng Amerika, magdudulot ito ng kapinsalaan sa sarili at katatagan ng rehiyon. Kaya, kailangang tandaan ng Beijing at Tokyo ang mga pinagkasunduan na narating nila sa Osaka, maayos na hawakan ang mga sensitibong isyu, at pangasiwaan ang mga alitan sa paraang konstruktibo, para makalikha ng paborableng kondisyon para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Hapones sa bagong panahon. Nang sa gayon, magbubuhos ng mas positibong kasiglahan o momentum sa nagbabagu-bagong mundo.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>