Tinanggap ngayong araw, Miyerkules, ika-14 ng Agosto 2019, ng Airport Authority Hong Kong ang interim injunction order o pansamantalang utos mula sa hukuman na nagbabawal sa sinumang hahadlang sa normal na takbo ng Hong Kong International Airport.
Ayon pa rin sa desisyon ng korte, hindi dapat magdaos o lumahok ang sinuman sa demonstrasyon, protesta, o aktibidad na pampubliko sa labas ng lugar na itinakda ng Airport Authority.
Noong Lunes at Martes, idinaos ng mga protestador ang ilegal na demonstrasyon sa Hong Kong International Airport, at binarikadahan nila ang mga departure gate. Dahil dito, nakansela ang karamihan sa mga flight sa paliparang ito.
Salin: Liu Kai