Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Hay-tek na industriya't serbisyo, nagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-08-15 16:37:35       CRI

Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas kamakailan ng Tsina, noong unang pitong buwan ng taong 2019, lumaki nang 8.7% ang added-value ng industriya ng hay-tek na manupaktura ng bansa, kumpara sa gayunding panahon ng 2018. Kasabay nito, tumaas ng 11.1% at 11.9% ang puhunan sa industriya ng hay-tek na manupaktura at hay-tek na serbisyo, ayon sa pagkakasunod. Ipinakikita nitong sa kabila ng masalimuot na kalagayang pandaigdig, ang industiya ng hay-tek ay nagsisilbing bagong lakas-panulak sa pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino.

Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, naaangkop ang Tsina sa bagong round ng rebolusyong pansiyensiya't panteknolohiya ng daigdig, at walang humpay na nagpapasulong ng inobasyon, para maisakatuparan ang mas episyente at sustenableng pag-unlad.

Noong 2018, ang added-value ng bagong industriya at serbisyo ay katumbas ng 16.1% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa, na mas mataas ng 0.3% kumpara sa taong 2017. Samantala, lumampas sa 2/3 ang ambag ng nasabing mga bagong industriya at serbisyo sa bagong oportunidad ng trabaho. Ayon sa pinakahuling Global Innovation Index ng World Intellectual Property Organization (WIPO), nahahanay ang Tsina sa ika-14 na puwesto, at nangunguna sa daigdig sa mga aspekto na gaya ng bilang ng patente, orihinal na tatak at disenyong industriyal, pagluluwas ng mga produktong hay-tek at inobatibo, at iba pa.

Upang mahikayat ang pambansang inobasyon at mapabilis ang aplikasyon ng mga bagong bungang panteknolohiya, nitong ilang taong nakalipas, inilabas ng Tsina ang serye ng preperensyal na patakaran hinggil sa buwis, pinansya, venture capital, pagtutulungang pandaigdig, at iba pa.

Nakakalungkot naman sa proseso ng pag-unlad ng Tsina, madalas na napapakinggan ang pagdududa mula sa mga bansang Kanluranin. Kapag mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina, maririnig ang pananalita ng banta mula sa Tsina, at habang umaandar ang kabuhayan ng Tsina sa makatwirang saklaw, may mga pananalita na gaya ng pagbagsak ng kabuhayan ng Tsina. Walang kabutihang dulot sa anumang bansa o sa daigdig ang nasabing pagdungis sa Tsina.

Kahit nahaharap ang Tsina sa presyur ng pagbaba ng kabuhayang dulot ng alitang pangkalakalang inilunsad ng Amerika, walang tigil na nagsisikap ang Tsina para mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad at magbigay ng mas maraming oportunidad para sa buong daigdig.

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>