Ang mga samahang Pilipino na kinabibilangan ng Philippine Council for Promotion of the Peaceful Reunification of China (PCPPRC) at Hong Kong Chamber of Commerce of the Philippines Inc. (HKCCPI) ay nakikisa sa mga dayuhang samahan sa pagbatikos sa karahasan sa Hong Kong at panunulsol ng mga puwersang banyaga rito.
Ayong kay Angel Ngu, Presidente ng PCPPRC, ang mga suliranin ng Hong Kong ay mga suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi dapat pahintulutan ang panghihimasok ng mga puwersang dayuhan. Ipinahayag din ni Ngu ang pagkatig ng kanyang grupo sa mga isinagawang katugong hakbangin ng sentral na pamahalaan ng Tsina at pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) para sugpuin ang karahasan at pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng Hong Kong.
Sinabi naman ni Frank Co, Executive Vice President ng HKCCPI, na ang Hong Kong ay di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina. Hindi dapat pahintulutan aniya ang anumang tangkang pagsira sa katatagan at kasaganaan ng Hong Kong. Ang nakaraan at kasalukuyang pag-unlad ng Hong Kong ay may mahigpit na kaugnayan sa inang-bayan at ang masagana't matatag na Hong Kong ay komong mithiin ng lahat ng mga taga-Hong Kong, diin niya.
Salin: Jade
Pulido: Mac