Inilabas kamakailan ng mga kongresistang Amerikano na kinabibilangan nina Ispiker Nancy Pelosi ng Mababang Kapulungan, Senador Mitch McConnell, Senador Marco Rubio, at Kongresistang Ted Yoho ng Mababang Kapulungan ang mga maling pananalitang may kinalaman sa Hong Kong. Kaugnay nito, ipinahayag Sabado, Agosto 17, 2019 ni You Wenze, Tagapagsalita ng Lupon ng mga Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, na ang isang serye ng mga ilegal na aktibidad, lalung lalo na, mga ekstrimistikong karahasan na naganap kamakailan sa Hong Kong ay malubhang lumabag sa Konstitusyon ng Tsina, Saligang Batas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), Batas sa Pambansang Watawat at Batas sa Pambansang Sagisag ng Tsina, at mga kaukulang batas at ordinansa ng HKSAR. Aniya, ito ay lantarang nanghamon sa simulain at baseline ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," magaslaw na yumurak sa pangangasiwa batay sa batas at kaayusang panlipunan ng Hong Kong, at malubhang nagsapanganib sa kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga taga-Hong Kong. Dapat parusahan ito batay sa batas, dagdag niya.
Salin: Vera