Ang tuluy-tuloy na ilegal na karahasan at kaguluhan sa Hong Kong kamakailan ay malubhang nakapinsala sa kabuhayan, pamumuhay ng mga mamamayan at pag-unlad ng Hong Kong. Sabado, Agosto 17, 2019, magkasunod na inilabas ng mga pangunahing opinyong publiko ang mga artikulo, para manawagan sa iba't ibang sirkulo ng lipunan na itigil ang karahasan at kaguluhan, pangalagaan ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at patnubayan ang pagbalik ng Hong Kong sa normal na landas ng pag-unlad sa lalong madaling panahon.
Sinabi ng komentaryo ng pahayagang "Wen Wei Po" ng Hong Kong na lumalakas nang lumalakas ang mithiin ng iba't ibang sirkulo ng Hong Kong sa paglaban sa karahasan, pangangalaga sa pangangasiwa alinsunod sa batas, at paghahangad ng katatagan. Tinukoy ng komentaryo na dapat magbuklod ang iba't ibang sirkulo ng lipunan, para pigilan ang mga ilegal na aktibidad ng mga marahas na ekstrimista.
Tinukoy naman ng komentaryo ng pahayagang "Hong Kong Commercial Daily" na ang pagpigil sa karahasan at kaguluhan, at pagbalik sa pangangasiwa alinsunod sa batas ay kinakailangang hakbang ng pagpapanumbalik ng Hong Kong ng normal na kaayunan. Ito rin ay paunang kondisyon ng paggarantiya sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong sa hinaharap, dagdag ng komentaryo.
Nagpahayag naman ang maraming grupong panlipunan ng Hong Kong ng pagkatig sa solemnang pagpapatupad ng mga pulis ng Hong Kong ng batas, pagpigil sa karahansan, at pangangalaga sa katatagan ng lipunan.
Salin: Vera