|
||||||||
|
||
Inilabas ng Xinwen Lianbo, pangunahing programa ng pagbabalita ng China Central Television ng China Media Group, ang komentaryong pinamagatang "pakinggan ang sinabi ng mga taga-Hong Kong."
Anang komentaryo, Sabado ng hapon, Agosto 17, 2019, nagtipon-tipon sa Tamar Park, Admiralty ng Hong Kong ang mahigit 470,000 residente sa Hong Kong para manawagan sa pagpapanumbalik ng normal na kaayusang panlipunan sa lalong madaling panahon.
Anang komentaryo, napagtanto ng parami nang paraming residente sa Hong Kong na umaasa ang ilang tao na ipagpapatuloy ang kaguluhan at karahasan sa Hong Kong, at ayaw nilang makita ang kasaganaan ng Hong Kong at paglakas ng Tsina. Ngayon, ilandaang libong residente ang nanawagan sa kapayapaan at katatagan ng Hong Kong, at ito ay pangunahing mithiin ng lipunan ng Hong Kong.
Dagdag ng komentaryo, hinihimok ng parami nang paraming residente sa Hong Kong na bigyang-wakas ang lahat ng mga ilegal na aktibidad na kinabibilangan ng pang-aapi, pagsira sa ari-ariang pampubliko at karahasan. Nanawagan din silang resolbahin ang mga suliranin ng Hong Kong, sa pamamagitan ng paraang pambatas.
Hinding hindi pahintulutan ng sibilisadong lipunan ang ekstrimistikong karahasan, at dapat may kabayaran ang mga rioter dahil sa ginawa nila.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |