Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Iba't ibang sektor ng Hong Kong, suportado ang pagpapalago ng kabuhayan at pagtigil sa karahasan

(GMT+08:00) 2019-08-19 12:31:51       CRI

Bilang tugon sa kaguluhan ng Hong Kong nitong ilang araw na nakalipas, walang-humpay na ipinahayag ng iba't ibang sektor ng Hong Kong ang kani-kanilang pagkatig sa pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) para maibalik sa normal ang kabuhayan at lipunan ng rehiyon, sa lalong madaling panahon.

Malalakas na hakbangin ng pagpapalago ng kabuhayan

Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng pamahalaan ng HKSAR, noong unang hati ng taong 2019, dahil sa kawalang-katiyakang panlabas at mahinang pangangailangang panloob, umabot lamang sa 0.55% ang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng Hong Kong. Ito ang pinakamahinang kilos ng kabuhayan ng Hong Kong sapul noong 2009. Bilang tugon, isasagawa ng pamahalaan ng HKSAR ang iba't ibang hakbangin na nagkakahalaga ng 19.1 bilyong Hong Kong dollar para suportahan ang mga kompanya, panatilihin ang employment rate at mapagaan ang pasanin ng pamumuhay ng mga mamamayan. Sinabi kamakailan ni Carrie Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng HKSAR na nakipagtagpo siya sa mga kinatawan ng iba't ibang sektor ng Hong Kong, at magpapalabas ng malalakas na hakbangin sa Ulat ng Pangangasiwa ng HKSAR sa darating na Oktubre.

Itigil ang karahasan at bumalik sa normal ang lipunan

Ipinalalagay ng iba't ibang sektor ng Hong Kong na ang karahasang ginawa ng mga radikal ay nakakapinsala sa pangangasiwa ayon sa batas, kaayusang panlipunan, kabuhayan, pamumuhay ng mga mamamayan, at imahe ng Hong Kong sa mundo. Diin nila, upang makaalpas sa kasalukuyang kahirapan at maibalik sa normal ang operasyong pangkabuhayan, ang pinakapangkagipitang dapat gawin ng Hong Kong ay itigil ang lumalalang kaguluhan.

Pagkabalaha ng mga kabataan, malulutas lamang sa pamamagitan ng kaunlaran

Ang patuloy na mabilis na pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng Chinese mainland ay nagkakaloob ng sustenableng lakas-panulak at malaking espasyo para sa kaunlaran ng Hong Kong. Ang mga pambansang estratehiya na gaya ng Belt and Road Initiative (BRI) at Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area ay nakakatulong sa pagpapatingkad ng Hong Kong ng bentahe at papel nito sa pambansang kaunlaran. Sa proseong ito, maaari ring matamo ng mga kabataan ng Hong Kong ang mas malawak na plataporma para lumaki kasabay ng pag-unlad ng inang-bayan.

Ipinahayag ng mga kinatawan ng iba't ibang sektor ang pag-asang mabibigyan ang mga kabataan ng Hong Kong ng mas maraming oportunidad, sa proseso ng pagpapasulong ng pag-a-upgrade ng kabuhayan ng Hong Kong, at pagpapahigpit sa pakikipagtulungan sa Chinese mainland at daigdig.

Sinabi naman ni Lam na ang mga kabataan ay pag-asa ng kinabukasan ng bansa, at sa hinaharap, magiging mas matiyaga ang pamahalaan ng HKSAR para makipag-ugnayan sa lahat ng mga kabataan at mapakinggan ang kanilang tinig.

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>