Kaugnay ng girian na naganap kamakailan sa Kanada, Australya, at ibang lugar sa pagitan ng mga Tsino at mga tagapagsuporta ng protesta sa Hong Kong, sinabi kahapon, Lunes, ika-19 ng Agosto 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na makatwiran ang pagpapahayag ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat ng kanilang pagkapoot at pagtutol sa mga pananalita at aksyong nagtatangkang paghiwalayin ang Tsina at dungisan ang imahe ng bansa.
Dagdag ni Geng, laging hinihiling ng pamahalaang Tsino sa mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat na sundin ang mga lokal na batas at regulasyon. Umaasa rin aniya ang Tsina, na igagalang at uunawain ng mga may kinalamng bansa ang mga lehitimong aktibidad ng mga mamamayang Tsino, at pangangalagaan ang kanilang mga lehitimong karapatan.
Salin: Liu Kai