|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan sa isang panayam ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na minsa'y nagbigay ang Tsina ng maraming pangako sa mga isyung tulad ng Hong Kong, South China Sea, at karapatang pantao. Dapat aniyang magkaroon ang Amerika at Tsina ng isang kasunduan para maiwasan ang posibleng epektong dulot ng pagtalikod ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Agosto 21, 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isang bansang madalas na "nagbabagu-bago," "nagbabalewala sa kasunduan," at "tumatalikod sa mga organisasyong pandaigdig," ay walang anumang kuwalipikasyon na magsalita tungkol sa pananangan ng pangako at pagtutupad ng kasunduan sa ibang bansa.
Ani Geng, sa aspekto ng pagpapatupad ng kasunduang pandaigdig at pagsasakatuparan ng obligasyong pandaigdig, may mabuting rekord ang Tsina. Ngunit para sa Amerika, madalas nitong nilalabag ang pangako nito, binalewala ang kasunduan, at sinisira ang regulasyon na gaya ng pagtalikod nito sa "Paris Agreement," "Komprehensibong Kasunduan ng Isyung Nuklear ng Iran," at pagtalikod sa "Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty." Kaya di dapat magtiwala sa Amerika, ani Geng.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |