Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Amerika, dapat isabalikat ang pananagutan sa pagkakahadlang ng kalakalan ng produktong agrikultural

(GMT+08:00) 2019-08-06 13:49:00       CRI

Ipinatalastas kamakailan ng panig Amerikano ang plano nitong dagdagan ng 10% taripa ang mga ini-aangkat na produktong Tsino na nagkakahalaga ng 300 bilyong dolyares, at grabe itong lumalabag sa napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa Osaka Summit. Bunsod nito, hindi inimplementa ng Komisyon ng Polisiya ng Taripa ng Konseho ng Estado ng Tsina ang pansamantalang pagpapawalang-bisa sa tariff hike sa mga produktong agrikultural ng Amerika na napagkasunduang aangkatin ng Tsina matapos ang Sabado, Agosto 3 ng kasalukuyang taon. Bukod dito, sinuspinde na ng mga kaukulang bahay-kalakal ng Tsina ang pagbili ng mga produktong agrikultural ng Amerika.

Ito ang kinakailangang hakbanging isinagawa ng Tsina bilang tugon sa muling tariff hike ng panig Amerikano, at ito'y makatwiran at lehitimo. Sa katotohanan, malakas ang pagkokomplemento ng Tsina at Amerika sa larangang agrikultural, at ang pagkakaroon ng kalakalan sa larangang ito ay angkop sa komong kapakanan ng kapwa panig. Matapos ang pag-uusap sa Osaka Summit ng mga lider ng Tsina at Amerika, ayon sa pangangailang panloob at prinsipyo ng pamilihan, natamo ng Tsina ang malaking progreso sa pagbili ng mga produktong agrikultural ng Amerika. Mula Osaka Summit hanggang noong katapusan ng nagdaang Hulyo, napakaraming produktong agrikultural ng Amerika ang naibiyahe sa Tsina, ng walang import tariff hike.

Aktibong isinasakatuparan ng panig Tsino ang pagkakasundo sa Osaka Summit sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon at nagpapakita ito ng katapatan sa kooperasyon. Ngunit muling ipinabaya ng panig Amerikano ang pangako, ipinakitang hindi ito maaaring-pagkatiwalaan, at muli nitong ginamit ang "tariff stick" laban sa Tsina. Ito ay ganap na nakakasira sa kinakailangang kondisyon sa pagtutuloy ng agricultural products trade ng dalawang panig. Walang ibang pagpili ang Tsina kundi magsagawa ng mga katugong hakbangin para maipagtanggol ang dignidad ng bansa at sariling lehitimong karapatan at kapakanan. Samantala, malinaw din itong ipinakikita na walang anumang kuwenta ang pagpataw ng sukdulang presyur laban sa Tsina.

Ang Tsina ang pinakamalaking bansang nag-aangkat ng mga produktong agrikultural, at ang Amerika naman ay pinakamalaking bansang nagluluwas ng mga produktong agrikultural sa daigdig. Ang kalakalan ng produktong agrikultural ay mahalagang bahagi ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Sa kasalukuyan, muling nasasadlak ang kalakalang ito sa kahirapan, at dapat ganap na isabalikat ng panig Amerikano ang pananagutang ito.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>