Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malinaw kung sino ang sumisira sa katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko — Tsina

(GMT+08:00) 2019-08-06 15:40:10       CRI

Tungkol sa pananalita ng Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika hinggil sa di-umano'y "pagsira ng Tsina sa katatagan ng rehiyong Indo-Pasipiko," ipinahayag nitong Lunes, Agosto 5, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mahabang panahon, ginagamit ng Amerika ang iba't-ibang paraang kinabibilangan ng paggamit sa umano'y "Indo-Pacific Strategy," upang walang humpay na panghimasukin ang mga suliranin ng mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko. Malinaw aniya kung sino talaga ang nakakasira sa katatagan ng rehiyong ito.

Nauna rito, sinabi ni Mark Esper, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika, na ang ginagawa ng Tsina ay nakakasira sa rehiyong Indo-Pasipiko, at umaasa siyang mai-de-deploy ang mga mid-range missile sa Asya sa loob ng darating na ilang buwan. Ayon sa isang mamamahayag, ang Tsina ay nagtataglay ng mga missile na aabot sa Hapon at Guam; bakit nito tinututulan ang pagkakaroon ng Amerika ng mid-range missile sa Asya?

Bilang tugon, ipinahayag ni Hua na ganap na di-responsible ang nasabing pananalita. Aniya, sa mahabang panahon, walang humpay na nanghihimasok ang Amerika sa mga suliranin ng mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko at bastos itong nanghihimasok sa mga suliraning panloob ng ibang bansa. Sa kabuhayan, napakaramot ng Amerika at puspusang isinusulong ang "beggar-thy-neighbor policy"; walang humpay rin nitong pinalalakas ang alyansang militar, kaya, malinaw ani Hua kung sino ang talagang nakakasira sa katatagan ng rehiyong ito.

Dagdag ni Hua, ang Tsina ay may napakalaking teritoryo at populasyon. Kaya, kinakailangan aniya nito ang puwersang pandepensa para labanan ang pananalakay, at ipagtanggol ang soberanya, at kabuuan ng teritoryo nito. Aniya pa, ang lahat ng mid-range missile ng Tsina ay idine-deploy sa loob ng bansa, at ito ay nagpapakita na ang hangarin ng Tsina ay depensa lamang at hindi nakatuon sa pagsalakay. Ngunit kung ide-deploy ng Amerika ang nasabing mga missile sa rehiyong Asya-Pasipiko, partikular, sa paligid ng Tsina, may malinaw na substansyang mapanalakay, at tiyak itong magdudulot ng grabeng negatibong epekto sa situwasong panseguridad sa rehiyon at buong daigdig.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>