|
||||||||
|
||
Inulit nitong Huwebes, Agosto 22 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang paninindigan ng bansa na wala itong mapagpipilian kundi isagawa ang katugong hakbangin kung ipapataw ng Amerika ang karagdagang taripa.
Nauna rito, ipinatalastas ng Amerika ang balak na ipataw ang karagdagang 10% taripa sa mga panindang Tsino na nagkakahalaga ng 300 bilyong US dollar.
Kahit balak ng Amerika na ipagpaliban ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga takdang panindang Tsino, ang anumang bagong taripa ng Amerika ay mauuwi sa paglala ng alitang pangkalakalan ng dalawang bansa, diin ni Gao.
Dagdag pa ni Gao, ang nasabing desisyon ng panig Amerikano ay magiging hamon sa pagluluwas at kabuhayan ng Tsina, pero, ganap na makokontrol ng panig Tsino ang idudulot na epekto.
Noong Agosto 13, nag-usap sa telepono ang mga punong negosyador sa kalakalan ng Tsina't Amerika. Sumang-ayon silang muling mag-uusap sa telepono sa loob ng susunod na dalawang linggo. "Pinananatili ng dalawang grupo ng negosasyon ang komunikasyon, " saad ni Gao.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |