|
||||||||
|
||
Hindi matatanggap ang paggamit ng Tsina bilang katwiran ng pagtalikod ng Amerika sa Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty (INF Treaty), at tinanggihan ng panig Tsino ang walang batayang pagbatikos ng panig Amerikano dito.
Winika ito ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), sa pangkagipitang sesyon ng UN Security Council hinggil sa isyu ng INF nitong Huwebes, Agosto 22, 2019.
Saad ni Zhang, ang unilateral na pagtalikod ng Amerika sa INF Treaty ay magbubunsod ng malalimang negatibong epekto sa estratehikong pagkabalanse at katatagan ng daigdig, seguridad ng Europa at rehiyong Asya-Pasipiko, at international arms control system. Hinimok aniya ng panig Tsino ang kaukulang bansa na magtimpi, para totoong pangalagaan ang umiiral na arms control system, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig.
Kaugnay ng walang batayang pagbatikos ng Amerika sa pagpapaunlad ng Tsina ng INF, diin ni Zhang, ang pagtalikod sa INF Treaty ay isa pang aksyon ng Amerika sa paggigiit sa unilateralismo at pagpapabaya sa obligasyong pandaigdig. Aniya, sa mula't mula pa'y iginigiit ng Tsina ang patakarang "depensa lamang. " Aniya, ang lahat ng mga ground launched intermediate-range missile ng Tsina ay idinedeploy sa loob ng bansa, batay sa layuning pandepensa, at hindi ito nagsasapanganib sa anumang bansa.
Dagdag ni Zhang, sa kasalukuyan, walang intensyon ang Tsina na sumali sa umano'y talastasan ng Tsina, Amerika at Rusya hinggil sa arms control.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |