Ipinahayag Linggo, Agosto 25, 2019 ng panig kapulisan ng Hong Kong na ginawa nitong Sabado ng mga radikal na ralyista ang mga marahas na kilos na kinabibilangan ng pagharang sa kalye, pagsira sa mga pampublikong instalasyon, pag-atake sa mga pulis, at iba pa. Buong tinding kinondena ng panig kapulisan ng Hong Kong ang nasabing mga marahas na aksyon.
Dahil binabalewala ng mga radikal na protesdor ang maraming beses na pagbabala ng panig kapulisan ng Hong Kong, isinagawa nito ang katugong aksyon kung saan dinakip ang 29 katao. Pinaghihinalaan silang may krimeng gaya ng ilegal na pagrali, pagtago ng mga sandata, at pag-atake sa mga pulis.
Salin: Lito