Inilabas kamakailan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang dokumento hinggil sa pagtatatag ng mga bagong pilot free trade zone sa 6 na lugar na kinabibilangan ng Shandong, Jiangsu, Guangxi, Hebei, Yunnan, at Heilongjiang. Anang dokumento, ito ay kabilang sa mga hakbangin ng pagpapalawak ng pagbubukas ng bansa sa labas.
Nakalakip din sa dokumento ang pangunahing tungkulin ng bawat isang bagong pilot free trade zone. Halimbawa, sa Shandong ay ang pagpapaunlad ng kabuhayang pandagat, sa Jiangsu ay ang pagpapasulong sa inobasyon ng real economy, sa Hebei ay ang pagpapasulong sa lohistika ng pandaigdig na kalakalan, sa Guangxi ay ang pakikipagkooperasyon sa Association of Southeast Asian Nations, sa Yunnan ay ang pakikipagkooperasyon sa Timog Asya at Timog-silangang Asya, at sa Heilongjiang naman ay ang pakikipagkooperasyon sa Rusya at Hilaga-silangang Asya.
Salin: Liu Kai