Pormal na naitatag ngayong araw, Sabado, Abril 1 2017, ang 7 bagong pilot free trade zone sa Tsina. Kasama ng 4 na pilot free trade zone na naitatag nauna rito, hanggang sa kasalukuyan, umabot sa 11 ang bilang ng mga sonang ito.
Ang naturang 7 bagong pilot free trade zone ay matatagpuan sa Liaoning, Zhejiang, Henan, Hubei, Chongqing, Sichuan, at Shaanxi. Karamihan sa mga ito ay nasa hilagang silangan, gitna at kanlurang bahagi ng Tsina.
Ayon sa may kinalamang opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, sa pamamagitan ng pagtatatag ng naturang 7 pilot free trade zone, nais subukin ng Tsina ang papel at epektibidad ng mga ito sa iba't ibang bahagi ng bansa, at bumuo ng mas maraming karanasan.
Samantala, batay sa magkakaibang kalagayan ng iba't ibang lugar, magkakaiba rin ang priyoridad ng naturang mga bagong pilot free trade zone. Ipinahayag din ng nabanggit na opisyal ang pag-asang ito ay mas makakabuti sa pag-unlad ng lokal na kabuhayan at kalakalan ng naturang mga lugar.
Salin: Liu Kai