Kasiya-siyang natapos nitong Biyernes, Agosto 23, 2019 ang ika-85 beses na magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand sa Mekong River. Tumagal ng 4 na araw at 3 gabi ang kasalukuyang pamamatrolya, at 512 kilometro ang kabuuang haba ng paglalayag.
Nitong nakalipas na 8 taon sapul nang simulan ang magkakasanib na pamamatrolya sa Mekong River, gumawa ang mga departamento ng pagpapatupad ng batas ng naturang 4 na bansa ng ambag para sa pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa kahabaan ng Mekong River, at pangangalaga sa seguridad at katatagan ng rehiyon sa nasabing ilog. Mabungang mabunga rin ang kanilang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas.
Salin: Vera