Ipinatalastas kamakailan ng ilang personaheng Amerikano na yugtu-yugtong papatawan ng taripa ang mga inaangkat na produktong Tsino, bagay na ibayo pang nakakapagpalala sa trade friction ng dalawang bansa. Ang kagawiang ito ay hindi nakakatulong sa paglutas sa problema, at hindi ito nakakabuti sa kapakanan ng Tsina, Amerika, at mga mamamayan ng buong daigdig.
Nitong mahigit isang taong nakalipas, upang mapangalagaan ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan, walang ibang pagpili ang Tsina kundi isinagawa ang tatlong round ng katugong hakbangin. Matatag ang atityud, at rasyonal ang ginawang hakbangin ng panig Tsino. Dahil kasalukuyang tumataas ang panganib ng paglala ng trade war, at lumalaki ang negatibong epekto sa Tsina, Amerika, at buong daigdig, ipinalalagay ng panig Tsino na nagiging pinakamahalagang bagay ang pagkansela sa tariff hike sa mga produktong Tsino na nagkakahalaga ng 550 bilyong dolyares at pagpigil sa patuloy na paglala ng trade war ng dalawang bansa.
Walang nanalo sa trade war. Ang paglutas ng dalawang panig ng kanilang alitan sa pamamagitan ng pagsasanggunian at pagtutulungan, ay hindi lamang nakakabuti sa Tsina at Amerika, kundi sa buong daigdig.
Salin: Lito