Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: "Tariff Stick," napakalaking banta sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig

(GMT+08:00) 2019-08-28 10:09:20       CRI

Nagbabala kamakailan ang ilang personaheng Amerikano na daragdagan ng taripa ang mga ini-aangkat na produktong Tsino na nagkakahalaga ng 550 bilyong dolyares, bagay na nakakapagpataas sa panganib ng ibayo pang paglala ng alitang pangkalakalang Sino-Amerikano. Ang nasabing ginawa ng panig Amerikano ayon sa sariling kagustuhan, ay hindi lamang nakakapinsala sa sariling kabuhayan, kundi gumagalaw sa kompiyansa ng international capital market at nakakaapekto sa global trade at industry chain. Nagiging napakalaking hadlang ito sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Isang pangunahing layon ng paggamit ng ilang personaheng Amerikano ng "Tariff Stick" ay upang pilitin ang mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong dayuhan na kinabibilangan ng mga kompanyang Amerikano, na umalis sa Tsina upang atakehin at pigilan ang kabuhayang Tsino. Ang kagawiang ito ay ganap na tumataliwas sa tuntunin ng market economy at regulasyon ng malayang kompetisyon. Ayon sa "Wall Street Journals," natuklasan sa bandang huli, ng ilang global manufacturer na nais bitawan ang pamilihang Tsino, na talagang di kasimbuti kaysa Tsina ang kondisyon ng mga bansang gaya ng Biyetnam, at imposableng ilipat ang lahat ng kanilang production base mula sa Tsina.

Sa ngayon, napapatunayan ng mas maraming katotohanan na di-katulad sa sinabi ng ilang personaheng Amerikano na umano'y madali itong mananalo sa trade war. Ngunit nagdudulot ang digmaang ito ng nakakasirang epekto sa kabuhayang pandaigdig na kinabibilangan ng kabuhayang Amerikano, at talagang nakakapinsala ito hindi lamang sa iba, kundi sa sarili.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>