|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa pagdaragdag ng panig Amerikano ng 10% taripa sa mga iniluluwas na produktong Tsino sa Amerika na nagkakahalaga ng 300 bilyong dolyares, walang pagpili kundi ilabas kamakailan ng panig Tsino ang kongkretong katugong hakbangin. Tungkol dito, iniutos ng ilang personaheng Amerikano sa mga kompanyang Amerikano na agarang umalis sa Tsina, hanapin ang kahaliling plano o bumalik sa Amerika para sa kanilang pamumuhunan at produksyon. Ito ay pagpapasulong ng proteksyonismo sa paraang administratibo na hindi lamang grabeng nakiki-alam sa malayang negosyo ng mga kompanyang Amerikano, kundi nagdudulot ng malubhang hadlang at kapinsalaan sa pandaigdigang kaayusang pangkabuhayan. Bukod dito, ang nasabing ginawa ng panig Amerikano ay sumasalungat sa tuntunin ng market economy na nakuha ang unibersal na pagtutol mula sa sirkulong ekonomiko ng Amerika.
Kasalukuyang umuunlad ng mga de-kalidad ang kabuhayang Tsino, at unti-unting tumataas ang katayuan nito sa global industry chain at value chain. Napakalaki ng komprehensibong kakayahang kompetitibo ng Tsina sa pag-aakit ng mga pondong dayuhan.
Ang pinag-ugatan ng paglabas ng industriya ng paggawa at mataas na trade deficit ng Amerika ay nasa sariling problema ng estrukturang pangkabuhayan. Hindi malulutas ang mga problemang ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng taripa at pagsasagawa ng kasukdulang presyur. Pasisidhiin lamang ng "tariff stick" ng Amerika ang panganib ng pag-hollow-out ng mga industriya nito. Walang duda, dumarating ang di-inaasahang resulta para sa ilang personaheng Amerikano.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |