Isinalaysay Enero 14, 2019, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na idaraos ang Ika-2 China-Germany High Level Financial Dialogue sa ika-18 ng Enero sa Beijing. Tatalakayin nito ang hinggil sa situwasyon ng macro-economy, pandaigdigang pamamahala sa kabuhayan, estratehikong kooperasyon ng Tsina at Alemanya, koopearsyong pinansyal, pagsusuperbisa sa pananalapi at iba pa.
Binuo noong Marso ng 2014 ang mekanismo ng mataas na diyalogo hinggil sa pinansyo at pananalapi ng Tsina at Alemanya.
Salin:Lele