Ipinahayag Lunes, Setyembre 9, 2019 sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kapuwa ikinasisiya ng panig Tsino't Aleman ang natamong bunga ng pagdalaw ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya sa Tsina.
Ani Hua, sa panahon ng nasabing pagdalaw, narating ng kapuwa panig ang mahahalagang komong palagay sa di-kukulanging 3 aspekto: una, ipinakikita ng kapuwa panig ang responsibilidad sa pangangalaga sa multilateralismo at malayang kalakalan; ika-2, inulit ng magkabilang panig ang komong palagay sa paggigiit sa ideya ng pagbubukas at pagbibigayan, at pagpapalawak ng pagbubukas ng bi-directional market; at ika-3, muling tiniyak ng kapuwa panig ang komong hangarin ng ibayo pang pagpapalalim ng kooperasyong may mutuwal na kapakinbangan.
Diin ni Hua, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Aleman, na patuloy na igiit ang paggagalangan, diyalogo at pagsasanggunian, igalang ang landas ng pag-unlad ng isa't isa, isa-alang-alang ang nukleong interes ng isa't isa, para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Vera