Ipinahayag kamakailan ni Craig Allen, Presidente ng US-China Business Council, na sa epekto ng maigting na kalagayan ng kabuhayan at kalakalang Amerikano-Sino, tuluyan itong nagdudulot ng kapinsalaan sa iba't-ibang lugar at bahay-kalakal ng Amerika, partikular ng kawalan ng pagbebenta na dulot ng tariff policy.
Ayon pa sa isang ulat na inilabas ng US-China Business Council, makaraang makalikha ng bagong rekord sa kasaysayan ang mga iniluwas na produktong Amerikano sa Tsina noong 2017, lumitaw ang malinaw na pagbaba noong 2018. Tinukoy ni Allen na kung madaragdagan ang epektong dulot ng tariff hike sa kasalukuyang taon, magiging mas masama ang kalagayan.
Dagdag pa niya, patuloy na nananawagan ang kanyang konseho na dapat lutasin ang problema sa pamamagitan ng talastasan ng dalawang panig, at dapat ding kanselahin ang tariff hike measures.
Salin: Lito