Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, kasalukuyang lumalabas ang napakalaking potensyal sa pangangailang panloob ng Tsina. Noong unang walong buwan ng kasalukuyang taon, bunga ng isinasagawang serye ng hakbangin ng pamahalaang Tsino, nananatiling matatag sa kabuuan ang paglaki ng kabuhayan ng bansa, at walang tigil na lumalabas ang natamong bunga ng isinasagawang polisiya. Halimbawa, napaliit ang pasanin sa buwis ng mga bahay-kalakal at pagbayad sa segurong panlipunan, nabawasan ang negatibong listahan ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal, itinayo ang Shenzhen Demonstration Zone, itinayo ang karagdagang anim na malayang sonang pangkalakalan, at iba pa.
Sa mula't mula pa'y iginigiit ng mga bahay-kalakal ng Tsina ang mapanlikhang pag-unlad, at walang humpay na pinabibilis ang kanilang pagbabago at pag-u-upgrade, bagay na nagkakaloob ng puwersang panloob para sa pagsasakatuparan ng de-kalidad na pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Sa listahan ng Global Top-500 ng magasing "Fortune" sa 2019, sa kauna-unahang pagkakataon, nalampasan ng mga kompanyang Tsino ang bilang ng mga kompanyang Amerikano. Sa harap ng kawalang-katatagan sa kabuhayang pandaigdig, pananatilhiin ng Tsina ang sustenable at matatag na makro-polisiya sa hinaharap para tuluyang magkaloob ng puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Lito